2 itinumba sa videoke bar

MANILA, Philippines -Kamatayan ang sumalubong sa magkaibigang lalaki kabilang ang isang Bumbay makaraang pagbabarilin ng mga di-pa kilalang lalaki sa loob ng videoke bar sa Barangay Lumingon sa bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa. Kapwa hindi na umabot ng buhay sa Liwag Hospital sina Balwinder Singh, 38; at Eduardo Marquez, 38, ng Sariaya, Quezon. Lumilitaw na nag-uusap ang dalawa sa Bulag Ka Videoke Bar nang lapitan at ratratin bandang alas-11:20 ng umaga. Joy Cantos

Show comments