BATANGAS, Philippines – Pinaniniwalaang kapabayaan sa tungkulin ng ilang opisyal ng eskuwelahan kaya naganap ang pananaksak sa isang 17-anyos na sophomore student ng De La Salle ng kanyang dating nobyo sa loob mismo ng school campus sa Lipa City, Batangas kamakalawa ng hapon.
Ayon kay P/Senior Supt. Alberto Supapo, Batangas police director, nagtamo ng saksak sa dibdib at tiyan ang biktimang itinago sa pangalang Joan na naisugod naman sa Mary Mediatrix Hospital at ngayon ay ligtas na sa kamatayan.
Kalaboso at pormal na kakasuhan ng pulisya ang suspek na si John Ryan Ma riño y Leviste, 18, computer engineering student, at residente ng Malvar, Batangas.
Si Mariño ay kamag-anak ng mga Leviste sa Batangas subalit hindi naman kilala ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.
Lumilitaw na pinalabas ng kanyang mga kaibigang babae si Joan sa loob ng klasrum ng electrical engineering sa room 407 ng 4th floor sa Mabini Hall para kausapin sa corridor ng school building.
Habang kausap ang mga kaibigan, biglang lumapit si Mariño at kinompronta ang dalaga bandang alas-2:30 ng hapon.
Sa salaysay ng mga saksi, habang nasa mainitang pag tatalo ang dalawa, biglang sinaksak ng suspek ang biktima bago ito tumakas.
Agad namang nakata wag pansin sa mga security guard ng school at naaresto ang suspek bago pa makalayo.
Naalarma naman ang mga magulang ng nasabing paaralan dahil sa loob mismo ng school campus naganap ang krimen kung saan nagpalabas na ng statement ang vice chancellor ng De La Salle-Lipa na si Juan Lozano, na patuloy naman ang imbestigasyon at nagbigay na sila ng assistance para sa hospitalization expenses ng biktima. Arnell Ozaeta