125 aso nailigtas sa katayan

PANGASINAN, Philippines —Ti­natayang aabot sa 125 aso na dadalhin sana sa katayan sa Baguio City ang nailigtas ng pulisya sa magkahiwalay na checkpoint noong Linggo ng gabi sa Barangay Gomez sa bayan ng Ma­lasiqui, Pangasinan.

Base sa police report, naunang nasabat ng pu­lisya ang L300 (WGB 180) ni Jayson Ortega na nag­lalaman ng 60 aso mula sa San Pedro, Laguna.

Samantalang nailigtas naman ang 65 iba pang aso sa Kia Besta van (WSM 587) nina Wilfredo Maravilla at Benjamin Abante na kapwa nakatira sa bayan ng San Pedro, Laguna.

Ayon kay P/Insp. Fer­nando Elcano, ang dala­wang van ng mga suspek ay nasita sa Comelec checkpoint bilang bahagi ng implementasyon ng total gun ban nang ma­dis­kubre na may lulang mga aso na sinasabing ipagbi­bili sa mga karin­derya sa Baguio City.

Kasunod nito, kala­boso rin ang binagsakan ng isang 19-anyos na si Arsenio Cabinta Jr ng La Trinidad, Benguet ma­kara­ang makumpiskahan ng 400 kilong karne ng aso sa loob ng kanyang Toyota FX sa Barangay Cab­long, Pozorrubio, Pangasinan noong Sa­bado ng umaga.

Pormal naman kaka­su­han ang mga suspek base sa pinaiiral na RA8485 o ang Animal Welfare Act of 1998. Cesar Ramirez

Show comments