2 todas sa road mishap

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  — Kamatayan ang sumalu­bong sa magkaibigang senglot habang malubhang nasugatan ang isa pa nilang kasama makaraang sumalpok sa kongretong pader ang kanilang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa bisinidad ng crossing Malilipot sa Albay.

Nakilala ang dalawang nasawi na sina Rene Bermindo at Elmer Bechaida na kapwa nakatira sa Barangay Panarayon sa bayan ng Bacacay habang ginagamot naman sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital si Efren Barcellano.

Base sa police report, ang tatlo ay papauwi na sana mula sa inuman ng alak nang makasalubong si kamatayan. Ed Casulla

Show comments