Amok sa checkpoint: 1 dedo, 1 grabe

MANILA, Philippines - Isang rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sinasabing nag-amok at nang-agaw ng ba­ril sa mga sundalong nag­babantay sa checkpoint ang napatay kamakalawa sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao.

Napuruhan sa katawan ng bala ng baril ang nag­huramentadong rebeldeng si Ali Dasil, habang ma­lub­ha namang nasugatan si Pfc Ranilo Lerios ng Army’s 29th Infantry Battalion na naisugod naman sa Camp Siongco Hospital sa bayan ng Awang.

Sa ulat nga Army’s 6th In­fantry Division, ang insi­dente ay naganap dakong alas-12 ng tanghali sa bisi­ ni­dad ng Brgy. Buayan kung saan sumugod sa lugar si Dasil at nagpaulan ng bala sa checkpoint sa mga nakatalikod na sun­dalo.

Tinamaan sa leeg si Lerios matapos itong un­dayan ng patalim ni Dasil kung saan bigla nitong hinablot ang M16 Armalite rifle ng nasabing sundalo.

Gayon pa man, bago ito maiputok ni Dasil ay pinag­babaril na ito ng kasama­hang sundalo ni Lerios.

Pinaniniwalaan namang bahagi ng agaw armas operation ng MILF rebs ang marahas na pag-atake sa checkpoint.

Show comments