4 'drug pushers' arestado

SUBIC, Zambales, Philippines — Apat-katao na sinasabing no­toryus drug pusher ang bumagsak sa kamay ng pulisya sa isi­na­gawang magkakahiwalay na buy-bust operations sa Ba­rangay Calapacuan sa bayan ng Subic, Zam­bales, ayon sa ulat kahapon. Kabilang sa mga sus­pek na kinasuhan ay sina Rogelio Dela Cruz, 25; Me­lencio Lopez, 26; Christian Aquino, 23; at si Mads Hain, 36. Sa ulat ni P/Chief Insp. Ponce Rogelio Peñones, Jr., hepe ng Zambales Criminal In­vestigation and Detection Group, ang mga suspek ay na­kumpiskahan ng 23 gramo ng bawal na droga sa isina­gawang Oplan Big Bartha ng pinagsanib na puwersa ng ZCIDG, Olongapo City at Subic PNP sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Alex Galang

Show comments