Drayber nalasog sa tren

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Maging aral sana sa mga motorista ang sinapit ng isang 52-anyos na lalaki na sinasabing walang pakundangang magmaneho ng traysikel makaraang mahagip ng tren kahapon ng umaga sa Barangay Sugcad sa bayan ng Polangui, Albay. Bandang alas-11:20 ng umaga nang mahagip ng tren si Salvador Re­fama na pinaniniwa­laang nagmamadaling mag-u-turn sa ha­rap ng simbahan subalit nakasalubong si kamatayan. Ini­imbes­tigahan naman ang drayber ng tren na sina Romeo Taincol at Bobby Adriano ng PNR Triangulo, Naga City. Ed Casulla

Show comments