^

Probinsiya

3 mayoral bets na magkakapangalan sinibak ng Comelec

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines - Tatlong mayoralty bets sa Santiago City, Isabela na sinasabing mag­ka­kapa­ngalan ang idinekla­rang nuisance candidates ng Comelec sa May 10, 2010.

Sa resolution na may pet­sang Enero 22, 2010 na ipi­na­labas ng Commission on Elections (Comelec) 2nd division, kinatigan ang petis­yon ni Santiago City Mayor Ame­lita “Amy” Navarro na ibasura ang kandidatura nina Amy “Amelita” Navarro, Emma “Amy” Navarro at Samuel Navarro bilang pang­gulong kandidato sa eleksyon.

“Respondents cannot be allowed by this Commission to make a mockery of the elections. We cannot allow (them) to cause confusion to the electorate by allowing them to continue with this travesty upon the sanctity of the elections,” pahayag ng Comelec

Napag-alamang bukod sa pagiging nuisance candidate ng isang street sweeper na si Amy Navarro, 21, luma­bag din ito sa itinakdang age requirement bilang kandi­dato sa mayoralty race sa ilalim ng Republic Act 7720.

“Article (3), Section 8 of the Charter of the City provides for the qualification of the City Mayor... (to be) at least (23 years of age)...,” saad sa 10 pahinang resolution ng Comelec 2nd division na pinamumunuan ni Commissioner Nicodemo Ferrer.

Lumalabas din sa im­bes­ti­gas­yon ng Comelec na iisang tao ang gumawa ng doku­mento para maging kandi­dato ang tatlo partiku­lar na ang malaking halaga na nakadeposito sa banko.

Naunang naghinala si Mayor Navarro na kagaga­wan ito ng kanyang mga ka­la­ban sa mayoralty race para ibagsak ang kanyang kandi­da­tura dahil sa kalitu­han ng mga botante.

Nabatid na mahigpit na kalaban sa mayoralty race ni Mayor Navarro ay sina da­ting Vice Mayor Armando Tan ng Liberal Party at dating Congressman Anthony Miranda ng Pwersa ng Masang Pilipino. Philippines Star News Service

AMY NAVARRO

CHARTER OF THE CITY

CITY MAYOR

COMELEC

COMMISSIONER NICODEMO FERRER

CONGRESSMAN ANTHONY MIRANDA

LIBERAL PARTY

MAYOR NAVARRO

NAVARRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with