Chairman itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  — Isang 56-anyos na kapitan ng Ba­rangay Bartolabac sa San Jacinto, Masbate na si Danilo Amor ang pinag­babaril hanggang mapatay ng isang hindi pa nakik­i­lalang salarin habang nag­hahapunan siya sa harap ng kanyang asawa sa ka­nilang bahay sa Rawis St., Barangay District Pobla­cion ng naturang bayan ka­ma­kalawa ng gabi. Hinihi­nalang may kinalaman sa pulitika ang pamamaslang dahil kilalang tagasuporta ng isang kandidato sa nalalapit na halalan ang biktima. Ed Casulla

Show comments