Arms cache natisod sa maisan ni Ampatuan

MANILA, Philippines - Sari-saring matataas na uri ng bala ang natisod ng mga awtoridad matapos salakayin ang corn farm ni dating Maguindanao Vice Governor Akhmad “Tato” Ampatuan sa Mamasa­pano, Maguindanao kama­kalawa. Si “Tato” ay kabi­lang sa maimpluwensyang ang­kan ng mga Ampatuan na isi­nasangkot sa Maguin­da­nao massacre na ikina­sawi ng 57 katao kabilang ang 32 mediamen noong Nob­yembre 23 ng naka­lipas na taon.

Nasamsam sa raid ang 3,040 mga bala ng cal 7.62 MM; 420 rounds ng 5.56 MM; 3,900 bala ng 5.56 para sa K3 light machine gun; 4,000 rounds ng cal 30 machinegun; 17 rounds ng high explosive 90 MM bala ng recoiless rifle; 48 piraso ng 81 MM high explosive mortar shells; 90 piraso ng 60 MM high explosives mortar shells at 3,700 rounds ng bala ng cal 50 heavy machine­ gun. Joy Cantos

Show comments