Parak, nanutok ng baril, tiklo

MANILA, Philippines - Arestado ang isang bagi­tong pulis matapos itong irek­lamo ng panu­nu­tok ng baril sa isang sibil­yan sa Barangay Libertad, Butuan City, Agusan del Norte ka­makalawa.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal si PO1 Antonio Cabacungan Jr., 36-an­yos, may-asawa, naka­ta­­la­ga sa San Luis Municipal Po­lice Station at resi­dente ng Phase 2, Village 2, Li­bertad.

Sa ulat ng Police Regional Office 13, naganap ang insidente sa lugar ng sus­pek matapos itong mag­­­tungo sa tahanan ng ka­nilang kapitbahay da­kong alas-2:15 ng hapon.

Sumugod umano ang galit na parak sa bahay ni Rodrigo Busa at tinutukan ito ng kaniyang Norinco cal. 45 pistol.

Nang mabatid ang in­si­dente ay nagresponde ang mga elemento ng Butuan City Police sa Phase 2, Village 2 ng bayang ito at na­sakote ang nasabing ba­gitong pulis.

Nasamsam mula rito ang naturang armas na may isang magazine na naglala­man ng 8 bala. Isi­nasailalim na sa masusing imbesti­gasyon ng mga awtoridad ang kasong ito. Joy Cantos

Show comments