^

Probinsiya

1 patay sa sunog, 120 bahay naabo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nabahiran ng trahedya ang Dinagyang Festival matapos na masawi ang isa katao at 18 ang nasu­gatan habang umaabot na­man sa mahigit 120 ka­ba­hayan ang natupok sa na­ganap na sunog sa Iloilo City nitong Sabado ng ma­daling araw.

Halos hindi na makilala ang bangkay ng biktimang si Trinidad Formacion, 48 anyos.

Batay sa report ng Iloilo City Fire Marshal, pasado alas-12:25 ng madaling araw nang tupukin ng apoy ang may 120 kabahayan sa Barangay Nabitasan, La Paz District ng lungsod na ito sa gitna na rin ng sele­brasyon ng Dinagyang Fes­tival sa lungsod.

Bigla na lamang nag­kagulo ang mga residente sa lugar nang mabilis na kumalat ang apoy na tu­mu­pok sa mag­kakatabing mga kabahayan.

Tumagal ng ilang oras ang sunog bago ito tulu­yang naapula dahil masya­dong masikip sa nasabing lugar at karamihan sa mga kabahayan ay gawa sa mahihinang klase ng ma­teryales.

vuukle comment

BARANGAY NABITASAN

BATAY

BIGLA

DINAGYANG FES

DINAGYANG FESTIVAL

ILOILO CITY

ILOILO CITY FIRE MARSHAL

LA PAZ DISTRICT

SHY

TRINIDAD FORMACION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with