Education center sinalakay

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga awto­ridad ang isang Islamic Edu­cation Center ng maim­plu­wensyang angkan ng mga Ampatuan na nagre­sul­ta rin sa pagkakaaresto sa isang bagitong pulis sa Poblacion, Shariff Aguak, Maguin­da­nao kamakalawa.

Batay sa report ng Police Regional Office-Autonomous Region in Muslim Mindanao, bandang alas-8:30 ng gabi nang salakayin ang Salam Islamic Education Center sa Camp Sultan Kudarat Pendatun, Parang ng lalawigang ito. Arestado naman sa operasyon si PO1 Sahi Yusop, caretaker ng naturang education center.

Narekober sa lugar ang isang Bushmaster model XM15-E2S, isang magazine na may lamang 30 bala. Joy Cantos

Show comments