^

Probinsiya

5 nakulong sa Sierra Madre nasagip na

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Limang katao na kinabibilangan ng isang Bel­gian national at isang abo­gado ang matagumpay na na­iligtas ng mga militar ma­tapos silang makulong sa loob ng pitong araw sa ka­gubatan ng Sierra Madre mountain, ayon sa ulat ka­hapon.

Batay sa ulat ng Northern Luzon Command, nakilala ang mga nailigtas na environ­mentalists mula sa Cabiao Kid Foundation na sina Bert Peeters, isang Belgian at leader ng grupo; Atty. Gari Bernal; Angelito Agustin; Luzviminda Lopez; at Narciso Gumangan.

Sinabi ng militar na ang mga trekkers ay maayos na nailigtas maliban kay Peeters na may pasa at lagnat.

Ang grupo ay umalis sa Ilagan, Isabela noong Enero 13 upang tahakin ang bundok ng Sierra Madre patungo sana sa bayan ng Divilacan kung saan makikita naman ang Pacific Ocean nang ma­kulong sila sa kagubatan dahil sa patuloy na pag-ulan at pag­taas ng ilog na kanilang da­daanan. Victor Martin

ANGELITO AGUSTIN

BERT PEETERS

CABIAO KID FOUNDATION

GARI BERNAL

LUZVIMINDA LOPEZ

NARCISO GUMANGAN

NORTHERN LUZON COMMAND

NUEVA VIZCAYA

PACIFIC OCEAN

SHY

SIERRA MADRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with