MANILA, Philippines - Mataas ang lason ng red tide sa limang lalawigan sa bansa kaya bawal kainin ang mga shellfish mula dito tulad ng tahong, talaba at halaan.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ang shellfish ban ay nakataas sa Dumanguillas Bay sa Zamboanga del Sur, Sorsogon Bay at Juag Lagoon sa Matnog, Sorsogon, Bislig Bay sa Bislig City, Surigao del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental.
Pinayuhan ng BFAR ang mga lokal na pamahalaan na sakop ng red tide ban na doblehin ang pagbabantay sa area of responsibility upang ang mga shellfish mula sa kanilang lugar ay hindi makarating sa ibang pamilihan at maibenta pa at hindi makaapekto sa kalusugan ng mga tao. (Angie dela Cruz)