Utol ng mayor itinumba
LUCENA CITY, Quezon, Philippines – Hindi na umabot pa nang buhay sa ospital ang 59-anyos na kapatid ng mayor ng Buenavista, Quezon matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob mismo ng kanyang compound sa naturang lugar kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Senior Supt. Elmo Francis Sarona, Quezon police chief ang biktimang si Federico Uri, nakatatandang kapatid ni Buenavista Mayor Remedios Uri-Rivera.
Nakaupo sa kanyang terrace si Uri nang pumasok ang salarin sa kanyang bakuran sa Brgy. Cadlit at pagbabarilin ito bandang alas-7:20 ng gabi. Arnell Ozaeta
- Latest
- Trending