100 sakong bigas nalimas
January 19, 2010 | 12:00am
LINGAYEN, Pangasinan , Philippines — Tinatayang aabot sa 100 sakong bigas ang ninakaw ng limang armadong kalalakihan makaraang pasukin ang rice mill sa Barangay Baay sa bayan ng Lingayen, Pangasinan, kamakalawa ng madaling-araw.
Nagawang looban ang JT Rice Mill at iginapos ang katiwalang si Eduardo Bides at ang misis nito.
Natagpuan sa abandonadong lote sa Barangay San Fernando sa kalapit bayan ng Bugallon ang trak na ginamit ng mga kawatan. Cesar Ramirez
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended