Flashflood: 5 katao patay

MANILA, Philippines - Lima-katao kabi­lang ang tatlong ba­tang babae ang iniulat na nasawi sa magka­kahiwalay na pa­nana­lasa ng flashflood sa lalawigan ng Agusan del Sur at Oriental Min­doro, ayon sa ulat ka­hapon.

Sa report ng cable tele­vision, nasawi sa pagragasa ng baha ang isang 13-anyos na si Kenneth Patricio pero patuloy pa itong kinukum­pirma ng mga disaster official ng pa­mahalaan sa bayan ng Naujan, Oriental Min­doro.

Namatay naman sa atake  sa puso ang isang 65-anyos na si Rosita Lenon sa Brgy. Poblacion mula rin sa bayan ng Naujan.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa Office of Civil Defense (OCD), nalunod naman maka­ra­ang tumaob ang balsa na sinasakyan ng tatlong batang babae na nagka­ka­­edad 9 hanggang 11- anyos nang abutin nang rumaragasang baha sa ilog ng Gibong sa San Francisco, Agusan del Sur kama­kalawa.

Inaalam pa ang pa­ngalan ng tatlong na­sawing biktima na na­kuha ang bangkay ma­tapos lumutang sa ilog.

Samantala, uma­abot naman sa 53 ba­rangay ang lubog sa baha sa bayan ng Na­ujan at Oriental Min­doro.

Ang naturang flash­flood ay bunga ng malalakas na pag­buhos ng ulan sa na­turang mga lugar.

Nabatid na bumu­hos ang malalakas na ulan sa mga bayan ng sakop ng Oriental Mindoro dakong alas-4 ng hapon kamaka­lawa at nagulantang na lamang ang mga resi­dente noong Lunes sa mataas na baha sa ka­nilang lugar.

Batay sa tala, nasa 39 barangay sa bayan ng Naujan ang lubog sa baha kaya inilikas ang may 54 pamilya sa dala­wang evacuation center sa nasabing bayan.

Umaabot naman sa 14 barangay ang apek­tado rin ng mga pag­baha sa bayan naman ng Baco.

Show comments