^

Probinsiya

Transport group umalma vs Hanjin

-

ZAMBALES, Philippines — Nag­sa­gawa ng kilos-protesta ka­makalawa ang mala­king transport group na nag­ha­hatid ng mga ka­wani ng Hanjin Heavy Industries and Construction (HHIC) ma­ta­pos paboran ng na­banggit na kom­panya ang isa pang bus company na maghakot ng mga kawani patungo sa kanilang job­site.

Ang protesta ay isinaga­wa sa San Pablo bus terminal sa bayan ng Castil­lejos, Zambales maka­raang mag-akusa ang mga tsuper na kasapi ng Zam­bales Operators and Drivers Cooperative Association (ZA­MOD­CA) na pinapa­boran ng Hanjin ang isa pang bus company.

Ayon kay Atty. Renato Col­lado na may permiso ang Za­modca mula sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na mag­hakot ng mga shipyard workers mula sa bayan ng Castil­lejos patungong Han­jin facilities sa Redon­do Peninsula, Subic. Suba­lit nag­labas ng kala­tas ang HHIC kaugnay sa termi­nas­yon ng kontrata ng 26 mini-bus ng Zamodca no­ong Enero 15 kaugnay sa inspek­syon noong Dis­yembre 7-10, 2009.

Nagkaroon naman ng tensyon sa kilos protesta makaraang humarap sa mga nagpipiket na tsu­ per ang Koreanong opis­yal ng Hanjin na inuutu­sang mu­ling mag­biyahe ang mga Zamodca bus. Alex Galang

vuukle comment

ALEX GALANG

CASTIL

DRIVERS COOPERATIVE ASSOCIATION

HANJIN

HANJIN HEAVY INDUSTRIES AND CONSTRUCTION

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

RENATO COL

SAN PABLO

SHY

ZAMODCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with