^

Probinsiya

3 mayoralty bets na magkapangalan maglalaban-laban sa May eleksyon

-

SANTIAGO CITY, Isa­bela , Philippines  — Nagbigay ng ma­la­king kalituhan sa mga bo­tante ang magkaka­tu­lad na pangalan ng tat­long kandi­dato para sa isang posisyon matapos mag­hain ng kandi­datura ang mag-ina na ka­pa­nga­lan ng kasalukuyang ma­yor na si Amelita “Amy” Na­varro.

Ayon kay City Mayor Amelita “Amy” Navarro, ma­­liban sa isang dating congressman at dating vice mayor na makaka­tunggali sa mayoralty race ay nag­hain din ng kandidatura ang dalawa nitong kapa­nga­lan at isa pang ka-apelyido.

Napag-alaman na nag­hain sa Commission on Elections ng kanilang kan­dida­tura sa mayoralty race ang isang Amy “Ame­lita” Navarro at anak na Emma “Amy” Navarro.

Dahil dito, hiniling ni Na­varro sa Comelec na tang­galin sa kanilang lis­tahan ang mga ka­pangalan na Amy “Amelita” Navarro at Emma “Amy” Navarro na aniya ay magbibigay lang ng kalituhan sa mga bo­tante.

“The poll body is already hearing our case. We hope our motion for the disqualification of these two can­didates would be granted,” dag­ dag pa ni Na­varro.

Ayon naman kay ex- Vice Mayor Armando Tan na si­nasabing katunggali ni Ma­yor Navarro, ang paghahain ng kandidatura ng dalawang kapangalan ni Navarro ay gawain din ng alkalde upang makuha ang simpatya ng botante.

Bukod kay Tan at ex-Cong. Anthony Miranda ng Pwersa ng Masang Pilipino na naghain din ng kandi­datura para sa mayoralty race ay isa pang Sammy Navarro na kamag-anak din ng kasalukuyang ma­yor. Victor Martin

AMELITA

ANTHONY MIRANDA

AYON

CITY MAYOR AMELITA

MASANG PILIPINO

NAVARRO

SAMMY NAVARRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with