3 magsasaka pinabulagta

KIDAPAWAN CITY , Philippines  — Ka­matayan ang suma­lubong sa tatlong magsa­saka makaraang ratratin ng mga ‘di-pa kilalang kalala­kihan kamakalawa ng gabi sa Barangay Kana­ yahan sa bayan ng Car­men, North Cotabato.

Kinilala ni P/Insp. Winston Seniel, hepe ng Car­men PNP, ang mga nasawi na sina Hector Tomasis, 42; Norberto Feliciano, 57; at si Lyneth Camus, 49, pa­wang residente ng Purok 10, Barangay Poblacion sa bayan ng Carmen.

Sugatan naman ang mis­ter ni Lyneth na si Adol­fo Camus na tinamaan ng ligaw na bala sa paa at ka­may kung saan nakaligtas din kay kamatayan ang misis ni Hector na si Elizabeth Tomasis.

Base sa police report, lu­­militaw na nagpapahinga ang mga biktima sa farmhouse na pag-aari ng pa­milya Camus nang ma­ganap ang insidente.

Tinangay pa ang mga alagang hayop bago nag­ sitakas ang grupo patungo ng hangganan ng Ba­ran­gay Katanayahan at Ki­bayao sa Malitubog-Ma­ridagao Irrigation Dam na nasa Liguasan Marsh na sinasabing madalas pagta­guan ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Show comments