3 magkakapatid natusta sa sunog

MANILA, Philippines - Tatlong magkakapatid na batang lalaki ang na­sawi habang tatlo pa ang na­sugatan makaraang ma­kulong ng apoy sa loob ng nasunog nilang tahanan sa Baynilad, Mandaue C­ity, Cebu kamakalawa ng gabi.

Halos hindi na makilala ang bangkay ng magka­kapatid na biktimang kini­lalang sina Mark, 6-an­yos; Joey, 4 at Gideon, 2; pa­wang may apelyidong Punsa.

Batay sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, naganap ang sunog sa tahanan ng mga biktima sa Saint Martin Village, Bay­nilad dakong alas-9:25 ng gabi.

Isinugod naman sa pa­gamutan ang tatlo pang mga biktima matapos na magtamo ng mga paso sa kanilang mga katawan.

Napag-alaman na wala ang ina ng mga bata na si Aileen Punsa at iniwan la­mang ang mga bata sa pa­ngangalaga ng kanilang lola.

Gayunman, iniwan ng matanda ang mga apo matapos ang mga itong makatulog dahil may binili ito sa tindahan nang mang­yari ang sunog.

Pinaniniwalaan namang ang natumbang gasera ang pinagmulan ng sunog dahil naputulan ng kur­yente ang pamilya.

Show comments