Pamilya, 4 minasaker dahil sa land dispute

NUEVA ECIJA, Philippines — Brutal na kamatayan ang si­napit ng apat na miyembro ng pamilya kabilang ang walong buwang gulang na sanggol na babae maka­raang pagbabarilin ng mga di-pa nakilalang kalalaki­han sa naganap na masa­ker sa Purok 1, Barangay Lawang Kupang sa bayan ng San Antonio, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga napas­lang ay sina Marcela Gali­cia, 50; anak nitong si Ar­turo Galicia, 28; manugang na si Cecille Galicia, 25 at ang sanggol na si Aicelle.

Sa ulat ni P/Chief Ins­pector Arnold Palomo, officer-in charge sa himpilan ng pulisya sa bayan ng San Antonio, bandang alas-7:30 ng gabi nang maka­rinig ng mga putok ng baril ang mga kapitbahay ng pamilya Galicia.

Ayon kay Palomo, na­rekober ang walong basyo ng 9mm pistol sa crime scene.

Ang bangkay ni Arturo at ina nito ay natagpuan sa labas ng bahay habang ang mag-ina nito ay pina­tay naman sa loob ng bahay.

Isa naman sa anggu­long sinisilip ng mga awto­ridad ay ang alitan sa lupa na sinasabing may pitong taon na, ayon pa sa opis­yal.

Kasalukuyan namang inaalam ng pulisya ang mga mensahe sa cell phone ni Cecille na po­sibleng makatulong sa imbestigasyon habang inumpisahan na rin nilang siyasatin ang mga kapit­bahay at kamag-anak ng mga biktima.

Napag-alamang pinatay din ang ama ni Arturo na si Timoteo Galicia noong Nobyembre 7, 2003 dahil sa sinasabing alitan sa lupain na pag-aari ni Lito Lustre.

Show comments