MANILA, Philippines - Limang preso ang nakatakas sa kanilang kulungan matapos nilang lagariin ang rehas na bakal ng kanilang selda sa Silay City Police Station sa Negros Occidental kamakalawa. Kinilala ang mga ito na sina Michael Aguirre, Giovanni Diel, Roberto Zaures, Joel Sorbito at Jary-R Jeronica. Tumakas ang limang preso matapos na samantalahin na nakalingat ang kanilang mga bantay. Nang mabatid ang pagtakas ng naturang mga preso ay agad namang nagsagawa ng hot pursuit operations ang Silay City Police na nagresulta sa pagkakaaresto kina Zorbito at Zaures. Joy Cantos