^

Probinsiya

Parehas na laban sa Comelec giit ni Bulacan Gov. Mendoza

-

BULACAN , Philippines  — Nana­wa­gan kahapon si Bulacan Gov. Joselito “Jon Jon” Mendoza sa Commission on Elections (Comelec) para sa parehas na laban kaugnay sa motion for reconsideration sa kasong inihain sa kaniya ni dating Gov. Roberto Pagdanganan.

Aabot sa 1,000 tagasu­por­ta ang nag-prayer rally sa opi­sina ng Comelec sa pa­ngu­ngu­na ni dating Gov. Josie dela Cruz, inihayag ni Men­doza na isang commissioner ng lupon ang kataka-takang minamadali na madesisyunan na ang kaso sa kabila ng paglabag sa huling kautusan ng commission sa usapin.

Napag-alamang binigyan ng 5-araw si Pagdanganan na magkomento sa kaniyang motion for reconsideration at motion for execution pending appeal bago desiyunan ang kaso.

Subalit wala pang 5-araw ay mayroon nang draft decision ang isang commissioner ng Comelec, ayon kay Men­doza, at kasalukuyan na itong iniikot sa iba pang mi­yembro ng komisyon.

“Bukod doon, ang natu­rang ding commissioner ang sumulat ng draft decision para sa en banc ng Comelec bukod na siya mismo ang nag-iikot para agad na ma­apru­bahan,” ayon kay Men­doza.

“Mismong ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ay nag­­pa­hayag na walang anu­mang dayaan o katiwalian na na­ga­nap noong halalan at maging ang National Movement for Free Elections ay nagpaha­yag din na ako ang tunay na nahalal bilang gobernador ng Bulacan,” dagdag pa ni Mendoza.

Tiwala naman si Men­doza na hindi magpapagamit ang Comelec sa sinumang may masamang hangarin na mabahiran ang nabanggit na ahensya. Boy Cruz

BOY CRUZ

BULACAN GOV

COMELEC

FREE ELECTIONS

JON JON

MENDOZA

NATIONAL MOVEMENT

PARISH PASTORAL COUNCIL

RESPONSIBLE VOTING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with