^

Probinsiya

Mag-asawang trader itinumba

-

BATANGAS CITY , Philippines  — Pi­­naniniwalaang hindi na­ipatupad ng maayos ang gun ban ng Commission On Election (Comelec) sa lalawigan ng Batangas, kung saan napatay ang mag-asawang negosyante ng motorcycle-riding gunmen sa bayan ng San Pas­cual kahapon ng umaga.

Napuruhan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mag-asawang sina Eupronio Cordero, 69; at Tarcela Caraan-Cordero, 83, may-ari ng grocery store sa bayan ng Bauan at residente ng Barangay Palsahingin, sa bayan ng San Pascual, Batangas.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Alberto Supapo, patungo sana ng kanilang grocery ang mag-asawang sakay ng Toyota Tamaraw (PCR-991) nang ratratin ng maskaradong lalaki na lulan ng motorsiklo na may ilang metro ang layo sa kanilang bahay ban­dang alas-5:30 ng umaga

Dead-on-the-spot si Eufronio samantalang na­matay naman si Tarcela ha­bang ginagamot sa Bejasa Hospital sa Bauan, Ba­tangas.

Sinisilip ng mga imbesti­gador ng pulisya ang ang­gulong land dispute at business rivalry na sinasabing motibo ng pamamaslang. Arnell Ozaeta

ALBERTO SUPAPO

ARNELL OZAETA

BARANGAY PALSAHINGIN

BATANGAS

BAUAN

BEJASA HOSPITAL

COMMISSION ON ELECTION

EUPRONIO CORDERO

SAN PAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with