Pamilya, 3 sugatan sa mga holdaper

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng pamilya ang iniulat na na­sugatan makaraang pagba­barilin ng mga armadong holdaper sa bahagi ng Barangay Crossing Ma­gallon sa bayan ng Moises Padilla, Negros Occidental kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni P/Senior Inspector Gil Flo­res, lumilitaw na pauwi at lulan ng traysikel ang mag-asawang sina Ronilo at Rochel Gumayan, at mga anak na sina Junelo, 18; Jefferson, 20; John Rey, 16; at ang nobya ni Junelo na si Cherry Dalmacio, 18, nang harangin ng mga armadong kalalakihan.

Nagawa namang ma­katalon mula sa traysikel si Jefferson matapos ha­ra­ngin ng mga suspek kung saan ay nagtago ito sa tubuhan. Napag-ala­mang nagkaroon nang ko­mosyon at nanlaban si Ju­nelo kaya pinagbabaril ng mga suspek kung saan na­damay din ang nobya nito na sinasabing isinugod sa Isabela District Hospital.

Natangay ang ‘di-nabatid na halaga, alahas, cell phone ng mga biktima. Joy Cantos

Show comments