'Bantay' tinodas ng pulis
SOLANO, Nueva Viz—caya — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang alagad ng batas ang alagang aso na sinasabing nangagat sa una noong Martes ng umaga sa Barangay Quezon, Solano, Nueva Vizcaya.
Ayon kay P/Senior Inspector Maciste Serrano, nakilala ang pulis na bumaril ng aso na si PO3 John Segundo, 48, nakatalaga sa bayan ng Santa Fe police office.
Napag-alaman na noong Martes ng umaga nang dumalaw si PO3 Segundo sa bahay ni Ruth Galasinao.
Dito na kinagat ng aso ang kamay ni PO3 Segundo na sinasabing lango sa alak kung saan bilang ganti ay binaril naman nito ang alagang aso ni Galasinao.
Maliban sa aso ay pinagdiskitahan pa ng pulis si Galasinao na tutukan ng baril.
“I was nervous and felt helpless. Segundo even aimed his rifle at my right temple and asked if I want to be the next. Our children became hysterical. The teachers and kids at a nearby kindergarten school looked so terrified as well,” pahayag ni Galasinao.
Sa himpilan ng pulisya, inamin naman ni PO3 Segundo na binaril nga niya ang aso matapos siyang kagatin, subalit itinanggi nito na tinutukan niya ng baril si Galasinao.
Sinasabing ang aso ni Galasinao ay dating alaga ni PO3 Segundo subalit nang lumaki na ito at sa tagal ng panahon na hindi sila nagkita ay hindi na nakilala ng aso ang dating amo. Victor Martin
- Latest
- Trending