^

Probinsiya

Clan war: 4 todas, 17 bahay sinunog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Apat-katao ang kumpir­madong nasawi, lima ang nasugatan habang aabot naman sa 17 bahay ang si­nunog sa naganap na dig­maan ng magkalabang ang­kan sa pagitan ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front at ng grupo ng konsehal sa ba­yan ng Saudi Ampatuan, Maguindanao kama­kala­wa.

Ayon sa Army’s regional spokesman na si Major Randolph Cabangbang, kabilang sa mga nasawi ay mga tauhan ni Commander Basco ng MILF 105th Base Command.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sumiklab ang madugong bakbakan matapos nagpangabot ang magkalabang angkan ni Basco at ni Tamano Mama­lapat sa bahagi ng Sitio Bulatukan, Brgy. Kitapok.

Samantala, nasa 17 ka­bahayan naman ang na­sunog sa nasabing insi­den­te ng clan war.

Nabatid pa na ang gru­po ng konsehal ang suma­lakay sa angkan ni Commander Basco kung saan simula pa noong 2003 ay mainit na ang rido ng mga ito.

Binigyang diin pa ng opisyal na hindi hahayaan ng tropa ng pamahalaan na makaapekto sa peace talks sa pagitan ng ilang lider ng MILF rebs at ng mga kala­ban angkan sa Maguin­danao.

APAT

BASE COMMAND

CAMP CRAME

COMMANDER BASCO

MAJOR RANDOLPH CABANGBANG

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SAUDI AMPATUAN

SHY

SITIO BULATUKAN

TAMANO MAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with