MANILA, Philippines - Isang high school principal ang nasawi matapos paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa Urbiztondo, Pangasinan kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Herminigildo Sabangan, 57 anyos, residente ng Barangay Dumpay, Basista at principal ng Urbiztondo National High School. Sinabi ng Police Regional Office (PRO) 3 na naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga kamakalawa sa Barangay Navatat, Urbiztondo.
Patungo sa kanyang pinapasukang paaralan ang biktima nang harangin at pagbabarilin ng dalawang lalaki.
Agad na nasawi si Sabangan bunsod ng mga tinamong malulubhang tama ng mga bala sa likod, dibdib at braso.
Narekober sa lugar ng insidente ang bag ng biktima na naglalaman ng mga dokumento at cell phone. Joy Cantos