Pinsan ng tauhan ng Ampatuans: Konsehal todas sa ambus

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang konsehal na pinsan ng isang lider ng mga private armed group ng angkan ng mga Ampatuan makaraang tam­ bangan ng mga hinihi­nalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front rogue element sa Datu Saudi Am­patuan, Maguin­da­nao ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Tamano Mamalapat, 37- anyos, konsehal ng Datu Saudi Ampatuan, na nag­tamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na si Major Randolph Cabangbang na tinambangan ang bik­tima sa bisinidad ng Ba­rangay Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan bandang alas-10:20 ng gabi.

Sinabi ni Cabangbang na bigla na lamang sumul­pot sa lugar ang mga arma­dong kalalakihan at saka pinagbabaril ang nasorpre­sang biktima na bumulagta sa insidente.

Sinasabing ang biktima ay pinsan ng grupo ni MILF rogue elements 105th Base Commander Datu Mama, isa rin sa mga lider ng PAGs ng maimplu­wen­syang angkan ng mga Ampatuan.

Show comments