Councilor bet utas sa ambus
STA. MARIA, Ilocos Sur, Philippines — Isa na namang kandidato sa pagka-municipal councilor ang tinambangan at napatay ng motorcycle-riding assassin noong Miyerkules sa Barangay Poblacion, sa bayan ng Sta. Maria, Ilocos Sur. Napuruhan sa ulo ng bala ng baril si Chairman Artemio Tugade, 56, Barangay Cabaroan, Sta. Maria, at kandidatao sa pagka-konsehal. Sa police report, si Tugade, 56, na papauwi na sana nang lapitan at ratratin. Bumuo na ng tatlong team si General Azares na kinabibilangan ng1st Regional Public Safety Management Battalion na nasa ilalim ni P/Senior Supt Alejandro M. Valerio, Jr., para makatulong ng pulisya sa pagtugis sa mga killer. Myds Supnad
- Latest
- Trending