2 katao pinabulagta sa kalye

CAVITE, Philippines — Kamatayan ang sumalubong sa dala­wang sibilyan sa naganap na pamamaril kamakalawa sa magkahiwalay na ba­rangay sa Cavite City, Ca­vite. Si Cezar Ignacio na isang marino na nagmo­motorsiklo pauwi ay binaril sa ulo ng ‘di-pa kilalang lalaki na lulan ng kotse sa bisini­dad ng P. Burgos Avenue.

Napag-alamang inihatid ni Ignacio ang kanyang mi­sis sa trabaho nang maga­nap ang krimen.

Samantala, si Romeo Esita, 48, na isang pedi­cab drayber ay binoga ng ‘di-pa kilalang lalaki ha­bang nasa loob ng kan­yang taha­nan sa Brgy. 61-A, Sang­ley, San Roque, Cavite City. Cristina Timbang

Show comments