Kandidato sa May 2010 eleksyon inutas

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Pi­nagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kan­di­dato na pagka-konsehal sa May 2010 eleksyon ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa naga­nap na karahasan no­ong Mi­yer­kules ng hapon sa bisini­dad ng Barangay Thailand sa bayan ng Banisilan, North Cotabato. Napuruhan sa dib­dib ng bala ng baril si Bo­mex Sula, 37, magsa­saka at kan­didato sa ilalim ng Naciona­lista Party ni Sen. Manny Villar sa presidential race.

Ayon sa police report, nagmomotorsiklo si Sula nang dikitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa aban­donadong lugar sa nabanggit na barangay. Si Sula ay ka­alyado ng mayoralty bet na si ex-Banisilan Ma­yor Floro Allado na sina­sabing inaresto ng pulisya noong Disyembre sa kasong murder kung saan itinuturo itong utak sa pagpatay sa tatlong residente ng Baran­gay Pantar. Malu Manar

Show comments