Kabesa, sabit sa illegal logging
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Nalalagay sa balag ng alanganin ang isang barangay chairman makaraang makumpiskahan ng libu-libong board feet ng narra at iba pang common hardwood sa kanyang bakuran noong Linggo sa Barangay Alinguigan sa bayan ng Ilagan, Isabela.
Pormal na kakasuhan ang suspek na si Chairman Tony Gangan na sinasabing ikalawang opisyal ng barangay na nahaharap sa kasong illegal logging sa Isabela, ayon kay Dave Siguian, team leader ng Anti-Illegal Task Force.
Naunang nadakma ang mga suspek na si Ruben Siringan at Rommel Zipagan matapos maaktuhan ng task force ang pagdadala ng tone-toneldang board feet sa bakuran ni Gangan.
Ayon kay Isabela Governor Grace Padaca, ang mga illegal logger na kinabibilangan ng mga bugadores ay protektado ng ilang alkalde ng Isabela.
Iginiit din ni Padaca na siya pa rin ang gobernador ng Isabela kung saan ang proklamasyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagpapababa sa kanya sa puwesto pabor kay Benjamin Dy.
“Let no one of those illegal loggers and their criminal protectors think that just because I have a pending case in the Comelec, they can declare happy days are here again,” pahayag ni Padaca. Victor Martin
- Latest
- Trending