^

Probinsiya

Bomba narekober sa Laguna court

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Binalot ng tension ang Sta. Cruz Regional Trial Court sa Laguna makaraang makare­ko­ber ang mga security per­sonnel ng improvised explosive device sa loob ng opisina ng naturang gusali kahapon ng madaling- araw.

Ayon kay P/Supt. Mar­vin Saro, narekober ng da­lawang sekyu na nagba­bantay sa RTC building ang bomba nang mapan­sing may usok na lumala­bas sa Office of the Clerk of Court bandang alas-2:30 ng madaling-araw.

Mabilis na pinasok ng mga guwardiya ang kuwar­to at natagpuan ang bomba na nakabalot ng kulay pulang kahon na may cellular phone na nagsisilbing triggering device.

 “Inilagay ‘yung bomba sa ilalim ng istante na may mga old files, posible na balak nilang sunugin ang mga papeles doon,” ani Saro.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, walang intensyong manakit ang mga suspek dahil wala namang natag­puang shrapnel sa bomba.

Kinordonan ng Explosive and Ordnance personnel ang gusali na nagbun­sod para suspindihin ang mga court hearing at iba pang transaksyon kaha­pon.

“Wala naman kaming alam na celebrated case na didinggin ngayong araw, pero we will continue to dig deeper into this case,” dag­dag ni Saro. Arnell Ozaeta

ARNELL OZAETA

AYON

BINALOT

CRUZ REGIONAL TRIAL COURT

EXPLOSIVE AND ORDNANCE

INILAGAY

KINORDONAN

OFFICE OF THE CLERK OF COURT

SARO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with