LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Pinaniniwalaang may kaugnayan sa May 2010 eleksyon ang naganap na pamamaslang sa isang kandidato sa pagka-municipal councilor sa bisinidad ng Barangay Central sa bayan ng Casiguran, Sorsogon kamakalawa ng gabi.
Lima hanggang pitong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni ex- SPO1 Julio “Bimbo” Taroy Esquivas, 46, ng Market Site, Poblacion at isa sa mga kandidato sa pagka-konsehal sa ilalim ng Nationalista Party at dating miyembro ng 509th Police Provincial Mobile Group.
Bandang alas-6:20 ng Martes nang ratratin ang biktima na kaharap pa ang kanyang misis sa nabanggit na barangay.
May teorya rin ang pulisya na mga rebelde ang nasa likod ng paglikida kay Esquivas.
Sa kabila nito, naniniwala ang kampo ng biktima na pulitika ang isa sa dahilan ng pagpaslang sa retiradong pulis. Ed Casulla