^

Probinsiya

2 haydyaker dedo sa shootout

-

CAMP NAKAR, Lu­cena City, Philippines — Dalawang ar­madong kalalakihan na sinasabing miyembro ng hijacking syndicate ang ini­ulat na napatay ng mga ta­uhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at pulis-Quezon sa naganap na shootout sa bayan ng Tiaong, Quezon kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Superintendent Rommel Cardiño, de­puty chief ng CIDG Region 4A, ang mga napatay base sa nakuhang identification cards na sina Christopher Rete at Salve Abundo.

Napag-alamang naka­tang­gap ng impormasyon ang mga awtoridad sa naganap na hijacking na kinasasangkutan ng apat na armadong kalalakihan sa isang 10-wheeler truck (WBX-799) na kargado ng asukal kaya naglatag ng checkpoint.

Makalipas ang dala­wang oras, naispatan ng mga tauhan ni Cardino ang truck na pag-aari ng Mu­ralla Trucking Corporation sa may diversion road na patungong Lucena City.

Nang tangkaing pahin­tuin ng mga pulis ang truck, pinaputukan pa sila saka pi­na­harurot patungong Ma­­harlika Highway.

Sumunod ang ilang mi­nutong running gun battle hanggang sa mapa­tay ang dalawa at ma­katakas na­­man ang dalawang iba pa.

Nakaligtas naman ang driver ng truck na si Gil Se­rato at ang kanyang pahi­nante na si Joel Manuel na kapwa iginapos sa loob ng truck.

Samantala, nagsasa­gawa pa rin ng hot pursuit operation laban sa dala­wang nakatakas na hijacker.

CHRISTOPHER RETE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

GIL SE

JOEL MANUEL

LUCENA CITY

QUEZON

SALVE ABUNDO

SHY

SUPERINTENDENT ROMMEL CARDI

TRUCKING CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with