P2.7-milÂyong eskuwelahan naabo
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Naging malungkot ang salubong ng unang Lunes ng 2010 sa mga batang mag-aaral sa bayan ng Alicia, Isabela makaraang masunog ang kanilang mga silid-aralan, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay Senior Fire Officer 3 Hadji Ramir Romero, Fire Marshall ng Alicia, umaabot sa P2.7 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos lamunin ng apoy ang apat na silid-aralan ng Alicia Central School noong Sabado kung saan isang araw bago ang pasukan ng mga mag-aaral. Napag-alaman na dakong alas- 9:50 ng gabi noong Sabado nang makatanggap ng impormasyon ang kinauukulan kaugnay sa nasusunog na paaralan. Agad naman na rumesponde ang ilang bumbero mula sa mga bayan ng Angadanan; Achague; San Mateo at Santiago City- Isabela. Posibleng faulty electrical wiring ang isa sa anggulo na pinagmulan ng apoy. Victor Martin
- Latest
- Trending