Misis ni-rape slay ng adik
BULACAN, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 24-anyos na misis makaraang halayin ay pinagtataga pa ng mga ’di-pa kilalang kalalakihan na sinasabing lango sa bawal na droga sa panibagong karahasang naganap kahapon ng umaga sa Brgy.Poblacion 1 sa San Jose Del Monte City, Bulacan. Natagpuan ang bangkay si Joy Villegas ng Daang Barrio, Brgy. Poblacion 1 na nagtamo ng mga sugat sa mukha at iba pang bahagi ng katawan. Ayon sa ulat, huling namataang buhay ang biktima na nagpaalam sa kanyang mister na magtutungo sa bahay ng kanyang amo na si Josephine Tatad sa Barangay Poblacion 2 subalit hindi na nakarating sa patutunguhan. Boy Cruz
- Latest
- Trending