CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines — Isa katao ang nasawi at nasa malubha namang kalagayan ang dalawang kasamahan nito matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa nakaparadang tricycle sa tabi ng kalsada sa Sito Tulay, Barangay Bagsagan, Irosin, Sorsogon.
Nakilala ang nasawi ay si Michael Balaoro, 13, estudyante. Pinagamot naman sa Irosin District Hospital ang sugatang sina Gerome Dino, 18; estudyante; at Rowel Equipado, 19, estudyante at pawang mga residente ng Sitio Calian ng nabangit na lugar.
Napagalaman na ang mga biktima ay sakay ng motorsiklo na bumabagtas sa kahabaan ng naturang kalsada nang sumalpok ito sa isang nakaparadang tricycle. Ed Casulla