24 sugatan sa bus na nahulog sa bangin

CAMP SIMEON OLA, LEGAZPI CITY , Philippines  — Umabot sa 24 katao ang malubhang nasu­gatan matapos mahu­log ang sinasakyan ni­lang pampasaherong bus kahapong mada­ling-araw sa Del Gal­lego, Camarines Sur.

Batay sa inisyal na ulat, ang aksidente ay naganap dakong alas-3:00 ng madaling-araw habang ang Ultrabus na galing sa Samar at patungo sa Metro Manila ay mahulog sa bangin.

Napagalaman na umaabot sa 60 mga pasahero ang sakay ng bus nang maak­si­dente. Nakaligtas na­man ang karamihan sa mga ito na hindi na­saktan o nasugatan.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa mabatid ang mga pangalan ng mga bik­tima na isinugod sa del Gallego District Hospital. Ed Casulla

Show comments