Apo ni Dolphy inaresto

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Kalaboso ang bi­nagsakan ng apo ni Co­medy king Rodolfo “Do­l­phy” Quizon Jr. kama­ka­lawa makaraang ares­tuhin ng pulisya dahil sa hindi pag­dalo sa mga court hearing kaugnay sa mga kina­kaharap nitong kasong droga sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna.

Ayon kay P/Supt. Mar­vin Saro, hepe ang Sta. Cruz PNP, nadakip si Rocky “Rocco” Quizon III, 22, ng Barangay Talabis Compound, Barangay Ba­gumbayan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Jaime Blancaflor ng Sta. Cruz Regional Trial Court Branch 27.

Dinakip si Quizon III ha­bang nasa loob ng Argem Cockpit Arena sa Ba­rangay Bubukal, Sta Cruz, Laguna bandang alas-3:15 ng hapon.

“Hindi namin hawak ‘yung case folder n’ya pero ayon sa kanya (Quizon III) posibleng may kaugnayan ito sa kaso niyang illegal possession of drugs limang taon na ang nakalipas,” ani Saro.

Pinaniniwalaang nag-isyu ng warrant of arrest ang korte nang hindi maka­dalo sa mga court hearing si Quizon III o di-kaya ay napaso na ang kanyang bail bond.

Kasalukuyang nakapiit si Quizon III sa himpilan ng pulisya sa Sta Cruz habang inireko­menda ng korte ang P.2 milyong bail bond para sa kanyang pansaman­talang kalayaan.

Sa tala ng pulisya, na­ha­harap din si Quizon III sa kasong attempted murder matapos barilin nito ang kanyang kaibigang si Jo­mar Paghangaan sa Laguna noong April 2009 nang ipagtanggol n’ya ang kapatid na si Rodolfo Qui­zon III.  Arnell Ozaeta

Show comments