20 sugatan sa road mishap

MANILA, Philippines - Aabot sa 20- katao ang ini­ulat na nasugatan sa na­ganap na karambola ng mga sasakyan sa unang araw ng 2010 sa Barangay Andap, New Bataan, Com­postela Valley.

Ayon kay Army’s 66th Infantry Battalion commander Lt. Col. Emmanuel Sequitin, agad na nagsa­gawa ng rescue operations sa mga biktima at naisugod sa Philippine Army sa Mon­tevista District Hospital.

Nabatid na ang pitong biktimang lulan ng kuliglig na minamaneho ni Jose Celestino ay papauwi na sana sa Barangay Cabi­nuangan mula sa pagti­tipon sa selebrasyon ng Bagong Taon sa Bamboo Resort nang mawalan ng preno.

Bunga nito, sumalpok ang sasakyan ni Celestino sa kasalubong na traysikel (LK 4620) ni Menecio Da­muag na may lulang 5-pasahero.

Tumilapon ang sasak­yang kuliglig saka sumal­pok sa Toyota Vios (LGM 645) ni Vergil Icat at sa lakas ng pagkakabangga ay sumalpok pa sa nakapa­radang motorsiklo ni Elmer Nunez kung saan nadamay ang ilang bystander.

May ilang ulit na gumu­long ang sasakyang kulig­lig sa may layong 200 metro na malubhang ikina­sugat ng mga biktima.

Nagkataon namang na­padaan sa lugar ang tropa ng Army’s 66th Infantry Battalion kaya nasaklolo­han ang mga sugatan. Joy Cantos

Show comments