Kotse vs tindahan: Pamilya, 4 todas

DIADI, Nueva Vizcaya, Philippines— Kamatayan ang suma­lubong sa 2010 ng apat na miyembro ng pamilya ma­tapos bumangga ang ka­nilang sinasakyang kotse sa tindahang nasa gilid ng highway sa Barangay Pob­lacion sa bayan ng Diadi, Nueva Vizcaya.

Sa ulat ng pulisya, na­kilala ang mga nasawi na sina Eduardo Datu, 36; asawang si Zenaida Ver­gara-Datu, 34; anak na si Sandra Datu, 4 at Jonathan Vergara, 35, pawang naka­tira sa Santa Cruz, Manila.

Ayon kay P/Senior Ins­pector Rogelio Garcia, dakong alas-5:30 ng uma­ga noong Huwebes nang maganap ang sakuna kung saan bumangga ang To­yota Corolla (TFX 336) na sinasakyan ng pamliya Datu sa tindahan sa gilid ng kalsada sa nabanggit na barangay.

Napag-alamang pa­tungo sana sa bayan ng Aurora, Isabela ang pa­milya Datu mula sa Manila upang ipagdiwang ang pagpasok ng Bagong Taon nang ma­kasalubong si kamatayan.

Naisugod pa sa De Vera’s Hospital sa San­tiago City-Isabela ang mga bik­ tima subalit magkaka­sunod na namatay dahil sa ma­tinding pinsalang na­tamo.

Habang sinusulat ang balitang ito ay nasa ma­lubhang kalagayan ang isa pang pamilya Datu na si Angel, 9, na nakaligtas sa trahedya.

May teorya ang mga imbestigador na nakaidlip ang driver na si Eduardo kung kaya’t na­walan ito ng control sa manibela at sumalpok ang kanilang sasakyan.

Show comments