Dalagita minolestiya ng pulis-QC

BULACAN, Philippines — Sa likod ng rehas na bakal nag-Bagong Taon ang isang 40-anyos na pulis makaraang arestuhin dahil sa reklamo ng sariling anak na dalagita ng kasong pangmomo­lestiya sa loob ng kanilang tahanan sa Ba­rangay Sto. Cristo, San Jose Del Mon­te, Bulacan. Kinilala ni P/Supt. Reynaldo Ramirez ang suspek na pulis na si PO3 Rey Tadena, nakata­laga sa PCP 8 ng Quezon City Police District at naka­tira sa Phase 1, Northgate Park Sub., Brgy. Sto.Cristo. Lumilitaw sa salaysay ng biktimang 15-anyos, na­isagawa ang maitim na balak ng suspek sa tuwing ma­iiwan sila ng ina kung saan ang pinakahuling ka­ganapan ay noong Dis­yembre 26, 2009.

Na­diskubre ang kri­men ma­tapos magsum­bong sa kanyang yaya ang biktima kung saan naipagbigay-alam naman sa pulisya. Boy Cruz

Show comments