Dalagita minolestiya ng pulis-QC
BULACAN, Philippines — Sa likod ng rehas na bakal nag-Bagong Taon ang isang 40-anyos na pulis makaraang arestuhin dahil sa reklamo ng sariling anak na dalagita ng kasong pangmomolestiya sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Sto. Cristo, San Jose Del Monte, Bulacan. Kinilala ni P/Supt. Reynaldo Ramirez ang suspek na pulis na si PO3 Rey Tadena, nakatalaga sa PCP 8 ng Quezon City Police District at nakatira sa Phase 1, Northgate Park Sub., Brgy. Sto.Cristo. Lumilitaw sa salaysay ng biktimang 15-anyos, naisagawa ang maitim na balak ng suspek sa tuwing maiiwan sila ng ina kung saan ang pinakahuling kaganapan ay noong Disyembre 26, 2009.
Nadiskubre ang krimen matapos magsumbong sa kanyang yaya ang biktima kung saan naipagbigay-alam naman sa pulisya. Boy Cruz
- Latest
- Trending