^

Probinsiya

2 trader dedo sa sumabog na paputok

-

NUEVA ECIJA, Philippines — Dala­wang negosyante ang iniulat na namatay habang 10 iba pa ang nasugatan ma­karaang sumabog ang ibi­nebentang paputok na tu­mupok sa ilang tindahan sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija noong bispe­ras ng Bagong Taon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Diosdao Santos Jr., 50 at Angelito Nuque, 50, kapwa residente ng Ba­rangay Poblacion West. Naisugod naman sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Hospital sa Cabanatuan City ang mga sugatang sina Antonio “Jun-Jun” Sy, reporter ng GMA7; PO3 Jonathan Romero ng Provincial Special Reaction Team ng Nue­va Ecija PNP; Maurine Lacambra, Roel Famu­lacano, Margarita Santos, Jervy Alputan, Gina Bu­laong 43, Lolita Calara, 42 at si Albert Natividad.  

Sa police report, lumili­taw na nagsimula ang apoy sa stall #21 ng pamilihang bayan sa A. Tobias St., Ba­rangay Poblacion West kung saan sinasabing may nag-testing ng paputok bago ang sunud-sunod na pagputok.

Nabatid pa na kasalu­kuyang iniinspeksyon nang mga oras na iyon ng grupo ng PSRT ang nasabing lugar upang siguruhing walang nagbebenta ng mga ilegal na paputok. Christian Ryan Sta. Ana

ALBERT NATIVIDAD

ANGELITO NUQUE

BAGONG TAON

CABANATUAN CITY

CHRISTIAN RYAN STA

DIOSDAO SANTOS JR.

DR. PAULINO J

GARCIA MEMORIAL HOSPITAL

POBLACION WEST

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with