^

Probinsiya

22 Koreano naisalba sa karagatan

-

MANILA, Philippines - Nailigtas sa tiyak na kapahamakan ang 22-Koreano kabilang ang isang nasugatan maka­raang lumu­bog ang sina­sakyang cargo vessel ha­bang nag­la­layag sa ka­ragatan ng Barangay Tag­gat Norte, Claveria, Ca­gayan kama­kalawa.

Naisugod naman sa Ag­ra Clinic ang nasuga­tang Koreano na si Ho Chol Jon na sinasabing tina­maan ng propeller ng bangka.

Samantala, ang 21 iba pa ay pansamantalang kinu­kup­kop sa bahay ni Chairman Arsenio de la Peña ng Barangay Taggat Norte.

Kabilang sa mga na­isalba ay sina Jong Su Ri, Chol Ho Pak, In Chol Jon, Chol Hwan Jong, Kun Sik Choe, Chol Ung Rim, Kwang Chol Jong, Chol Sun Han, Il Nam Jo, Hak Gwan An, Jong Song Choe, Tong Il Kim, Chul Il Pak, Chol Ho Kim, Kwang Su Choe, Man Jin Han, Hae Yong Ro, Jong Gil Jang, Tong Gun Kim, Ki Ung Jon at si Yong Min Ham.

Lumilitaw na lumubog ang barkong Nam Yang 8 na may lulang 2,615 to­neladang magnetite mula sa Appari, Cagayan da­kong alas-8:30 ng gabi noong Disyembre 31 kung saan may ilang oras bago ang New Year countdown.

Sinasabing hindi ba­lanse ang kargamento ng barko kaya tumaligid bago lumu­bog kung saan napi­litang lumangoy ang mga Koreano hanggang sa ma­padpad sa fishport ng Tag­gat Norte sa pagitan ng alas-6 at 7 ng umaga ka­hapon. Joy Cantos

BARANGAY TAG

BARANGAY TAGGAT NORTE

CHAIRMAN ARSENIO

CHOL

CHOL HO KIM

CHOL HO PAK

CHOL HWAN JONG

CHOL SUN HAN

KOREANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with