4 patay sa road mishap

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng Ba­gong Taon ang apat na si­bilyan matapos na maka­sa­lubong si kamatayan sa naganap na road mishap sa Marcos Highway sa Sitio Bontiwey, Brgy. Pob­lacion sa bayan ng Tuba, Benguet noong Martes ng gabi.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Pio Consentino, Rolando Alcantara, driver ng truck; Jonjon Sabili at si Al­bert Flora na pawang na­katira sa Pasig City, Metro Manila. Naisugod naman sa Ba­guio City General Hospital sina Laura Castro, 43; Catherine Casto, 25; at si Aida Mistang.

Lumilitaw na bumabag­tas sa kahabaan ng Mar­cos highway ang Forward truck (WGG 772) na mina­maneho ni Carag nang mawalan ng preno. Nagtuluy-tuloy na bu­­mangga ang trak na may lulang 7,000 kilong gulay sa mabatong gilid sa pa­anan ng bundok na ikina­sawi at ikinasugat ng mga biktima. Joy Cantos

Show comments